Reading Time: 1 minute

Nilinaw ng pamilya ng hinalay at pinatay na UP Los Banos student na si Eileen Sarmenta na wala silang interes sa bayad danyos ng kampo ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito’y kasunod ng hiling ng Senado na dapat bayaran ng aabot sa P1.2-milyong settlement ang pamilya Sarmenta at ng isa pang biktima na si Allan Gomez.

Ayon sa ina ni Eileen na si Clara Sarmenta, hindi nila hahabulin ang umano’y dirty money ng dating convicted na ex-mayor.

Sa Senate hearing kahapon tungkol sa GCTA, nanindigan ang asawa ni Sanchez na si Elvira na hindi sila magbabayad sa mga Sarmenta at Gomez dahil walang kasalanan ang dating alkalde.

“Paulit-ulit namin sinasabi bakit kami magbabayad? Wala naman kasalanan asawa ko, wala kaming intensyon bayaran ito,” ani Elvira.

Hinimok ni Minority leader Franklin Drilon ang Departmen of Justice na maglabas ng Writ of Execution para mapilitan ang mga Sanchez na magbayad danyos.