-- Advertisements --

Inirekominda ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa National Economic and Development Authority (NEDA) na mag-isip ng iba pang mga posibleng gawin ng pamahalaan para maiwasan ang wage reduction ng mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing ng House Committee on Economic Affairs, sinabi ng ekonomistang kongresista na dapat maraming pamamaraan ang kinukonsidera ng pamahalaan para masuportahan ang pasahod ng mga manggagawa gayong may malaking epekto sa poverty rate ng bansa ang pagkakaroon ng wage reduction sa mga ito.

Sa katunayan, ang wage reduction nga dapat aniya ay ang huling policy resort ng pamahalaan ngayong mayroong pandemya.

“I know the DOLE [Department of Labor and Employment] recently has issued a memo allowing wage reduction so long as it is consensual. The key is consent. that consent is going to be vitiated. [But] you don’t expect workers on a really good bargaining position. kapit sa patalim ang lahat ng ating mga manggagawa,” ani Quimbo.

Mababatid na kamakailan lang ay naglabas ang DOLE ng advisory na nagpapahintulot sa temporary wage adjustment at employment benefits bilang job preservation option ngayong may COVID-19 pandemic.

Pero para kay Quimbo, na co-chairperson din ng economic cluster ng House Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee, sa halip ay maaring isa sa mga option na gawin ng pamahalaan ay ang pagkakaroon ng direct worker subsidy.

Para naman kay NEDA acting Sec. Karl Kendrick Chua, kailangan sa ngayon ang temporary wage reduction para mas maraming trabaho ang mapanatili.

“To keep as many jobs as much as possible and this temporary wage reduction that is consensual I think is the immediate step that we can take,” ani Chua.

“Over the long term or the medium term, we know the economy is changing and we cannot keep the same jobs if they are not going to be jobs that are the most efficient and compliant to the new normal so we will have to think about preserving employment and not a particular job,” dagdag panito.

Gayunman, sinabi ng kalihim na magpapatupad din ang pamahalaan ng portability ng benefits at pension, active labor market, skills training at unemployment insurance para matulungan ang mga manggagawa.