-- Advertisements --
Tatalakayin ng gobyerno ng PH ang mga plano para sa mga Pilipino na kasalukuyang nakabase sa Gaza strip na kuta ng Hamas sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Israel ayon sa DFA.
Isa aniya sa isasagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang diplomatic measures para kausapin ang mga awtoridad sa Egypt at Israel na nasa border para mapasok ang Gaza at ma-repatriate ang mga Pinoy na naipit sa giyera.
Sinabi pa ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na mayroong 70 Pilipino na sa Gaza ang humihiling na marepatriate subalit ang problema aniya ay walang madaanan papasok at palabas.
Sa kabila nito, patuloy namang nakabantay ang DFA at sinusubukang breripikahin ang mga impormasyon kung may iba pang casualties na Pinoy sa giyera.