-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagtanggal ni dating Usec. Cielo Magno.
Sinabi nito na temporaryo lamang ang posiyon ni Magno at siya hiniram lamang sa academe.
Una ng naghain ng resignation si Magno nitong Biyernes kung saan ayon sa Office of the President na ang panunungkulan ni Magno ay nag-expired na.
Magugunitang sinabi ni Executive Secetary Lucas Bersamin na tinapos na nila ang termino ni Magno dahil umano sa hindi pagsuporta sa mga programa ng gobyerno.
Nanguna si Magno sa pagbabago sa pensions ng mga militar at ang pagsulong nito ng mataas na buwis sa mga pagmimina.