Dinepensa ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang gagawing borrowings o uutangin ng gobyerno na tnatayang nasa higit P1 trillion para mapunan ang “budget deficit” o kakulangan sa pondo sa susunod na taon.
Ayon kay Diokno nasa range pa rin naman kaya walang dapat ikabahala kung mangutang ang gobyerno.
Kinumpirma ni Diokno ang gagawing borrowings sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang P5.268- Trillion 2023 National Budget.
Ayon kay Diokno, ang borrowings ay inaasahan namang bababa dahil hindi naman inaasahang magkakaroon ng panibagong pandemya.
Inihayag pa ng kalihim na ang total revenue projections para sa susunod na taon ay nasa P3.6 trillion.
Dito sinabi ni Lagman kung hindi ba ito “short” o kulang para pondohan ang higit P5.2 na national budget.
Ayon kay Diokno, ang “projected expenditures” ay nasa P5.1 trillion at ang deficit o kulang ay nasa P1.16 trillion.
Inihayag ni Diokno na kukunin nila ang budget deficit na kailangang i-finance sa pamamagitan ng domestic sources upang walang “foreign exchange risks.”
Dagdag ni Sec Diokno, nasa 75% ag uutangin “locally” habang 25% ay mula sa foreign sources.
” We’re determined to pursue a faster, greener and more inclusive growth benefitting all sectors. This plan will address urgent challenges confronting the people in the near term,” pahayag ni Sec. Diokno.