-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patuloy ang monitoring ng Muncipal Disaster Rosk Reduction Management Office ng Dinapigue matapos magtala ng 5.1 magnitude na lindol 5:20pm.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni MDRRM Officer Teodoro Sabiano ng Dinapigue, Isabela na bagamat hindi nila naramdaman ang pagyanig ay mayroon ding nakapagbigay sa kanila ng impormasyon na nakaramdaman sila ng pagyanig kaninang hapon.

Inihayag pa ni MDRRM Officer Sabiano na ang naramdaman nilang pagyanig ay ang naganap paglindol pasado alas otso ng umaga na ang epicenter ay sa Abra na umabot sa magnitude 7.

Dahil anya sa malakas na lindol ay naputol ang kanilang linya ng kuryente ganap na 1:00pm at hanggang ngayong gabi ay hindi pa naibabalik ang tustos ng kuryente.

Wala namang anyang nasaktan sa naganap na malakas na paglindol kahapon ng umaga na ang sentro ay sa lalawigan ng ABRA.

Nagsasagawa na rin anya sila ng monitoring sa kanilang bayan at sa galaw ng dagat sa kanilang lugar upang makapaghanda.