-- Advertisements --

ILOILO – Gaganapin na ngayong araw ang Dinagyang Ilomination countdown.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Eric Divinagracia, Artistic Director ng Iloilo Dinagyang Festival 2023, sinabi nito na magsisimula ang aktibidad mamayang alas-5:30 ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Ang countdown ay magiging patikim lamang sa contest proper sa January 21, 2023.

Ayon pa kay Divinagracia, ito ang pinakaunang tribe competition na gaganapin sa gabi.

Pitong mga tribu ang lalahok sa Ilomination na nagmula sa pitong distrito ng lungsod na kinabibilangan ng City Proper, La Paz, Lapuz, Jaro, Manduriao, Molo, at Arevalo.

Ang countdown ay gaganapin isang buwan bago ang Dinagyang Ilomination Floats Parade of Lights.