-- Advertisements --
ILOILO CITY – Humingi ng paumanhin ang Iloilo City Government kaugnay ng bigong pagtalima sa health protocol sa awarding ng Digital Dinagyang 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Fernando Jose “Boyet” Rico, pinuno ng compliance team ng Iloilo City Government, sinabi nito na bumuhos pa rin ang mga tao sa nasabing aktibidad kasunod ng pagkalat ng impormasyon na may fireworks display pagkatapos ng awarding.
Ayon kay Rico, maging ang mga pulis ay hindi nakayanan ang pagkontrol sa mga tao kaya hindi na nasunod ang physical distancing.
Aniya mahigit 30 katao ang naisyuhan nila ng ticket for violation ngunit posibleng bawiin na lang ito.
Ito ay ikokonsulta muna kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas para sa pinal na desisyon.