Hindi umano magdedeklara ng tigil putukan ang pamahalaan sa mga rebelde sa gita ng papalapit na Kapaskuhan.

Ito ang nilinaw ni Interior Sec. Eduardo Año kasabay ng anunsyong bukas pa rin ang gobyerno na tanggapin ang mga komunista na magbabalik-loob sa estado.

Ayon sa kalihim, wala siyang inirekomendang ceasefire ngayong holiday season sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa kabila nito, handa raw ang pamahalaan na magbigay ng tulong at bagong oportunidad sa mga rebeldeng susuko at magsisimula uli ng kanilang mga bagong buhay.

Sa mga nakalipas na taon nakagawian ng gobyerno at communist rebels na magsuspende ng hidwaan tuwing Pasko.