Todo paalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga business establishments na gumagamit ng labis-labis na tubig na simulan ng magtipid at maging praktikal sa paggamit ng tubig aa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon.
Ayon kay Interior Director Allan Tabell, ito ay upang hindi maapektuhana ang supply para sa domestic use sa hinaharap sa oras na tumama sa bansa ang tagtuyot.
Sinabi pa ng opisyal na kung mayroong projected na kakulangan sa ulan at suplay ng tubig sa mga susunod na buwan posibleng maging ang tubig na kailangan para sa human consumption ay magkukulang din.
Kayat kailangang ngayon pa lang bago pa man bumaba ang volume ng available na suplay ng tubig, kailangan ng hikayatin ang publiko na magtipid.
Ilan sa mga negosyo na kailangang magtipid ng suplay ng tubig ay ang water-world” type ng parke gaya ng swimming pools at car wash.
Sa halip na gumamit aniya ng water hose kung saan tuluy-tuloy ang daloy ng tubig maaaring gumamit na lamang ng timba na malalagyanan ng panlinis na tubig at iba pang praktikal na pamamaraan.