-- Advertisements --

Todo ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na sumuko na sa mga otoridad ang sinasabing kanang-kamay ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na si Bureau of Correction Directorate for Security Operations Supt. Ricardo Zulueta kaugnay sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Umapela ni Abalos sa ginanap na joint press conference sa DOJ office sa Maynila, na sana gayahin umano ni Zulueta ang ginawang pagsuko ni self-confessed gunman Joel Escorial dahil alam ni na delikado ang kanyang buhay.

Kaugnay nito, nananawagan din si Secretary Abalos sa publiko na ipagpaalam sa awtoridad kung sakaling makita nila kung saan nagtatago si Zulueta.

Ito ay sa gitna na rin ng paniniwala ng PNP na patuloy na nagtatago na ngayon si Zulueta

Matatandaan na lumalabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) na ipinag-utos umano ni dating BuCor Chief Gerald Bantag at Senior Supt. Ricardo Zulueta ang pagpatay kay Percy Lapid dahil sa mga banat nito at sa nagsilbing middleman na si Jun Villamor upang manahimik na.

Si Zuelueta umano ang nag-utos sa bilanggo mula sa Iwahig sa Palawana na si Denver Mayores, na siyang namang komontak sa mga gang leaders sa Bilibid para ipatupad ang kill order hanggang sa self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Sinabi rin ni NBI Director Medardo de Lemos sa gumagawa na ng paraan ang kanilang ahensya para matunton si Zulueta habang si Bantag naman ay patuloy pa ring binabantayan lalo na at wala pa namang inilalabas na warrant of arrest laban sa kanya matapos na pormal nang kasuhan kanina.