-- Advertisements --

Nangako si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na aarestuhin ang sinumang indibidwal na masasangkot sa mga aktibidad ng extortion o pangingikil sa truck drivers.

Inisyu ni Sec. Abalos ang pahayag matapos makipagpulong sa Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) na idinulog ang isyu ng extortion sa mga kakalsadahan.

Dito, ipinaalala ng kalihim ang ipinapatupad na Executive Order No. 41 na nagbabawal sa paniningil ng pass-through fees sa national roads at hinimok ang mga lokal na pamahalaan na suspendihin ang pagkolekta ng anumang uri ng fees para sa lahat ng klase ng mga sasakyang nagdadala ng goods salig sa Section 153 o 155 ng Republic Act no. 7160.

Sa ngayon may ilang mga lokal na pamahalaan sa NCR ang nagbabwal sa pagdaan ng mga truck sa national road kayat umapela si MMDA Chairman Romando artes sa mga LGU na payagan na malayang makabiyahe ang mga sasakyang nagdadala ng mga goods sa mga kakalsadaha dahil may ilang lansangan na masikip at hindi madaanan ng mga truck.