-- Advertisements --

Aabot pa sa halos 55,000 na aplikasyon ang hawak ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga nais maging contact tracers ng COVID-19 cases.

Screenshot 2020 10 05 10 47 48 1
IMAGE | Screengrab from DOH media forum

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, 50,000 ang target nilang mabigyan ng posisyon bilang contact tracers sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

“Ang ginagawa ng DILG ay binibigyan natin ng priority ang mga BHERTs (Barangay Health Emergency Response Teams) sa hiring kung sila ay kwalipikado.”

Bukod sa BHERTs, sinabi rin ng opisyal na prayoridad ng ahensya sa hiring ang mga indibidwal na dumaan na sa contact tracing training ng TESDA.

Sa ngayon kasi ang mga kawani ng local governme units daw muna ang nasa frontline bilang contact tracing team.

“The contact tracer ecosystem kasi headed by the Local Epidemiology Surveillance Unit, which is under the Municipal or City Health Office. Ang mga members ay from PNP, BFP, BHERTs and now from the DILG-hired contact tracers under Bayanihan 2.”

“So karamihan sa kanila ay may sweldo nang natatanggap from their regular job. Yung ating kapulisan, mga taga-Bureau of Fire, they are already receiving their salaries and they are doubling as contact tracers.”

Nakapag-hire na ang DILG ng 10,136 contact tracers para sa first batch. Lahat sila sumasailalim na sa training bago ma-deploy sa komunidad.

Screenshot 2020 10 05 10 48 45
IMAGE | Screengrab from DOH media forum

Paliwanag ni Malaya, ang ahensya pa rin ang magpapa-sweldo sa tracers, pero ang pagsisilbihang local government unit ng maha-hire na tracers ang magdi-distribute. Ang naturang LGU ay responsable naman sa operasyon at deployment ng hired tracers.

Natanggap na raw ng DILG ang P2.5-billion mula sa DBM na initial allocation para sa sweldo ng contact tracers.

“They will be paid by the national government through the DILG. Yung kanilang mga kontrata are signed by the regional director (of the DILG) of the area where they are hired.”

“Se-sweldo lang sila (contact tracers) sa amin pero yung kanilang assignment, mga magsu-supervise sa kanila, saan sila pupunta, tatawag, sasakay, sino-sinong COVID-19 patients na kanilang ite-trace, pasok na sa contact tracing system ng LGU.”