-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang kaniyang naunang pahayag ukol sa pag-search sa mga bahay ng mga gun-owners sa bansa.
Ayon sa Kalihim, na hindi na kailangan ng anumang search warrants para gawin ito.
Dagdag pa nito na ang mga gun-owners ay mayroong pipirmahan na waivers na sila ay pumapayag na bisitahin ng kapulisan ang lugar kung saan nakalagay ang baril.
Layon nito ay para matiyak na ligtas ang lugar na pinagtataguan nila ng armas at hindi ito basta maaabot ng mga menor de edad.
Magugunitang sa ilang insidente ng pamamaril sa mga paaralan ay madaling ipinuslit ng mga menor-de-edad ang mga baril ng kanilang magulang o kaanak kaya naisagawa ang krimen.















