-- Advertisements --
WhatsApp Image 2019 05 10 at 12.50.16 PM

Nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos sa publiko na maging maingat sa bilang ng mga poll watchers sa mga presinto ngayong araw ng halalan.

Aniya, ang pagkakaroon ng higit sa itinakdang numero ng poll watchers ay maaaring mangahulugan na may kalakaran ng vote buying.

Binanggit ng kalihim sa isang statement na sa ilalim ng Section 25 ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10946, ang pag-hire o pagtalaga ng mahigit 2 watchers kada presinto sa bawat kandidato na maaaring hunantong sa presumption ng vote buying at vote selling.

Apela ng kalihim sa publiko na maging mapagmatiyag at mag-ulat sa Comelec o DILG kung may mapansin sa mga presinto na maraming poll watchers at kanilang iimbestigahan at gagawa ng kaukulang aksiyon.

Batay sa Omnibus Election Code, kabilang sa vote buying ang pamimigay ng pera o anumang may halaga, pagpapangako ng anumang posisyon o trabaho at iba pang alok upang himukin ang sinuman na bumoto para o laban sa sinumang kandidato o pigilan ang kanilang pagboto sa isang halalan.

Nakasaad din na sinumang kandidato na mahuhuling bumibili ng boto ay mahaharap hanggang sa 6 na taong pagkakakong at habambuhay na diskwalipikasyon mula sa public office.

Noong nakalipas na linggo, nakapagtala ng unang insidente ng vote buying sa isang bodega sa Navotas city matapos ang natanggap na tip mula sa isang concerned citizen.