-- Advertisements --

Binalaan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo ang mga kapulisan na huwag magpapahuli na may kinakampihan itong mga kandidato sa halalan, dahil sisiguraduhin nito na mananagot ang mga sangkot na pulis sa batas.

Sa mensahe ng kalihim sa isinagawang retirement honors ni outgoing PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, hindi niya hahayaan na may mga pulis na lalabag sa kaniyang direktiba.

Sinabi ng Kalihim, hindi dapat mawala ang tiwala ng ating mga kababayan sa mga kapulisan.

Pinasisiguro naman ni Secretary Ano kay OIC PNP Chief PLt.Gen. Vicente Danao Jr. na maging maayos, mapayapa ang halalan at tiyakin na manatiling apolitical ang halalan sa Lunes, May 9,2022.

Sa ngayon all-systems go na ang PNP, naka deploy na sa ngayon ang lahat ng kanilang personnel lalo na sa mga areas of concern at mga lugar na under Comelec control.

Batay sa Comelec Resolution, simula bukas May 8 hanggang May 9 ipapatupad na ang Liquor Ban, ang sinuman lalabag ay mananagot sa batas.