Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato na mag self-police at palaging sundin ang mga patakaran at alituntunin sa pangangampanya sa harap ng COVID-19 pandemic.
Partikular na tinukoy ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya ang patakaran sa in-person campaign restrictions.
Dapat aniya maging mabuting ehemplo ang mga kandidatong ito upang hidi na rin mahirapan ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga resoloution ng Commission on Eections.
Para sa kanilang panig, sinabi ng DILG na na-orient na nila ang mga pulis, pati na rin ang kanilang mga tauhan, hinggil sa rules at restrictions sa buong campaign period.
Sa ilalim ng patakaran ng Comelec, hindi papayagan ang in-person campaigning sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 4 at alert level 5, pero papayagan naman na wala nang limit sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1.
Sa mga lugar sa ilalim ng alert level 2 at 3, papayagan din ang in-person classes pero lilimitahan ang entourage ng mga kandidato sa lima ang bilang para sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2, at tatlo naman sa alert level 3.
Mariing ipinagbabawal ang full at over capacity crowds sa mga campaign venues.
Bawal din sa mga kandidato ang anumang physical contact tulad nang pagyakap, pakikipag-kamay sa mga tao at selfies o group pictures.