Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa isyu ni Senator Antonio Trillanes na pinawalang bisa na ang ipinagkaloob na amnestiya ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya batay sa kanilang nakuhang impormasyon, nakapag-apply na ng issuance of an alias warrant sa Makati RTC ang DOJ.
Sinabi ni Malaya nakahanda ang PNP na isilbi ang warrant of arrest kapag naglabas na ang korte.
Sinabi naman ni PNP spokesperson S/Supt. Benigno Durana hinihintay na lamang nila na maglabas ng kautusan ang korte.
Giit ng opisyal, trabaho nilang ipatupad ang batas kaya kapag mayroon ng warrant of arrest laban sa senador ay kanila itong ipapatupad.
Siniguro ng PNP na may team na silang nakahanda para isilbi ang warrant of arrest sa senador kasama ang team din ng military police.