Pinapatiyak ng Department of Interior and Local Government sa mga Local Government Units sa buong bansa na tumulong sa nalalapit na pagbabalik-eskwela.
Nauna nang nilabas ng DILG ang isang memorandum na nanghihikayat sa mga LGU na pulungin ang kanilang Local Peace and Order Council para matiyak ang seguridad sa pasukan.
Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, kailangang maging prayoridad ng mga LGU ang maayos na pagbubukas ng klase at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro, kasama na ang mga magulang na tiyak na sasama sa kanilang mga anak.
Inirekomenda rin ng opisyal ang paglalagay ng mga Closed circuit television camera sa paligid ng mga eskwelahan.
Maliban sa mga LGU, inatasan din ng DILG ang PNP at BFP na tumulong para sa maayos na balik-eskwela.
Kasama rin sa pinapatiyak ni Sec. Abalos ang sapat na bilang ng mga law enforcers at traffic enforcers, brgy tanod, at mga force multiplier.
Pinapatiyak din ng kalihim na may naka-deploy na medical team sa mga eskwelahan na tutulong kung kinakailangan.
Sa Agosto a-29 inaasahan ang nationwide balik-eskwela, na unang itinakda ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon.