-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga governors, mayors at barangay officials sa epekto ng El Niño sa bansa.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na kailangan magpasa ang mga LGU ng kanilang mga ordinansa kung paano makakatipid sa paggamit ng tubig.

Mahalaga na mag-update ang mga LGU ng kanilang contingency plans sa nasabing usapin.

Si Abalos ay itinalaga ni Pres. Ferdinand Marcos Jr na pamunuan ang El Nino task force.