-- Advertisements --

Tinatarget ngayon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na magdeploy pa ng dagdag na mga pulis sa mga drug-affected barangays sa buong bansa.

Ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan ng naturang ahensya.

Ayon sa kalihim, Isa kasi sa mga pinaka-epektibong approaches ng BIDA program ang Revitalized Pulis sa Barangay Program ng Philippine National Police para tugunan ang perennial drug problem sa bansa.

Samantala, kasabay nito ay pinuri naman ni Sec. abalos si NCRPO chief MGEN Jose Melencio Nartatez Jr. sa naging hakbang nito na magpakalat ng 10 police officers para mamuhay din kasama ang mga informal settlers sa mga drug affected areas tulad ng Barangay Putatan sa Muntinlupa city.

Kung saan nakatulong ang naturang mga pulis na tugunan ang ilang concerns ng mga residente Doon na napag-alaman din na pawang mga walang birth certificate at hirap magbasa at magsulat.

Ang hakbang na ito ay nagresulta naman sa tiwala at respeto ng mga presidente sa mga pulis na bahagi ng naman ng naturang programa ng pamahalaan.