Kampante si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na napanatili ang normal na sitwasyon sa Metro manila sa kabila ng tigil-pasada na ikinasa ng ilang grupo ng mga jeepney drivers and operators.
Ayon sa kalihiim, naging maganda ang assesstement ng MMDA matapos ang unang araw na obserbasyon ng tigil pasada.
Hindi rin aniya gaanong naapektuhan ang mga commuters sa kamaynilaan, na araw-araw bumibiyahe gamit ang mga pampublikong sasakyan.
Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit napanatili ang mababang impact ng tigil pasada ay ang paghahanda na ginawa ng mga ahensiya ng pamahalaan, sa pangunguna ng DOTr, LTO, LTFRB, MMDA, atbp.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang kalihim sa grupo ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan na hindi sumali sa pansamantalang tigil-operasyon ng mga jeepney.