-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local na pamahalaan at poll candidates para tanggalin ang mga canpaign waste materials sa loob ng tatlong araw.

Sa inilabas na advisory, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na unang mandato aniya matapos ang isinagawang eleksiyon ang paglilinis sa mga kalat gaya ng mga ginamit na campaign parapehrnalias.

Hinihikayat ni DILG chief ang mga kasalukuyang LGU officials at lahat ng mga kandidatong nahalal o natalo man na manguna sa pagbabaklas ng kanilang mga campaign materials.

Aniya, ang proper disposal ng campaign materials ay kailangang alinsunod sa environmental laws at local ordinances laban sa iligal na pagtatapon, pagsusunog sa open spaces at pagkakalat ng mga basura.

Iginiit din ng opisyal ang paggamit ng mga material recovery facilities sa mga barangay at LGUs para sa pagkolekta at pagrestore ng mga reusable materials.

Hinimok din ni Año ang mga organizers ng political activities na maging responsable sa pagtitiyak na maaayos na madispose ang mga kalat mual sa kanilang mga isinagawang aktibidad.