Inatasan na ng Department of Interior ang Local Government ang mga Local Government UNit ng Makati at Taguig na tumulong sa Commission on Elections para sa nalalapit na BSKE.
Ito ay sa likod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng dalawang lungsod bunsod na rin ng paglilipat ng hurisdiksyon sa sampung brgy na dating nasa ilalim ng Makati.
Batay sa inilabas na direktiba ng DILG, kailangang matulungan ng dalawang LGU ang sampung mg brgy na magkaroon ng maayos na transisyon, at maayos na botohan pagsapit ng halalan.
kailangan ding magkaroon ng maayos na information campaign para sa mga nasabing brgy sa kung ano ang dapat nilang gawin, upang magamit o ma-exercise ang kanilang mga karapatang bomoto.
Una rito, sinabi ng COMELEC na hindi na rin kailangan pang magrehistro pa muli ng mga botante sa mga apektadong brhu sa halalan.
katwiran ng komisyon, otomatiko na silang nailipat sa ilalim ng Lungsod ng Taguig.