Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tulong ng mga local legislators sa Metro Manila para matulungan ang mga rice retailers na apektado ng price ceiling.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., kailangan ang tulong ng Metro Manila Councilors para sa konkretong tulong sa mga retailers sa mga palengke sa kamaynilaan.
Maaari aniyang magpasa ng mga lokal na ordinansa ang mga ito upang irekomenda ang anumang tulong para sa mga retailers.
Inihalimbawa ng kalihim ang pansamantalang pagsuspinde sa kinokolektang mga stall fee sa pamilihan.
Maliban dito, maaari naman nilang mabigyan ng diskwento ang ang mga retailers na nagrerenta sa mga stall sa palengke.
Marami na aniya ang mga City Local Government Units sa Metro Manila na nagpatupad ng ibat ibang tulong para sa mga apektadong retailers, ngunit mas makakatiyak kung magkaroon ng isang lokal na ordinansa na siyang magsisilbing basehan sa mga ibibigay na tulong.