-- Advertisements --

Nakipag-pulong si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) upang talakayin ang national and local collaboration hinggil sa implementasyon ng Executive Order No. 41 na nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa pagbabawal sa pag kolekta ng pass-through fees.

Kabilang sa mga fees ay ang mga sumusunod: sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, Mayor’s Permit fees na ipinapataw sa lahat ng sasakyang de-motor na nagdadala ng mga kalakal at dumadaan sa anumang lokal na pampublikong kalsada na itinayo at pinondohan ng nasabing mga LGU.

Hinimok naman ni Secretary Abalos si National President Gov. Dax Cua at iba pang league officials na himukin ang kanilang member leagues at mga respective constituents LGUs na magpasa ng resolution na sumusuporta sa EO 41 ni Pang. Marcos.

Sinabi ni Abalos mahalaga na magkatuwang at nagtutulungan ang national government at ang mga league of LGUs ng sa gayon epektibong matugunan ang lahat ng hamon na kaharapin para mas magiging epektibo at bibilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Siniguro naman ni ULAP President Gov. Dax Cua ang kanilang suporta sa EO 41 sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyon na nananawagan sa mga LGUs na sumunod sa nasabing direkiba.