Kinukonsidera ngayon ng pamahalaan ang ideya na gawing 24/7 na bukas ang mga COVID-19 vaccination facilities sa Metro Manila para mas marami pang tao sa National Capital Region ang mabakunahan sa harap ng banta ng Delta coronavirus variant.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, 4 million doses ng COVID-19 vaccines ang nakalaan sa Metro Manila.
Para matiyak na hindi maapektuhan ng ECQ ang pagbabakuna sa NCR, sinabi ni Año na maaring palawigin ang operation hours ng mga vaccination sites.
Sakali mang matuloy nga ang 24/7 operation ng mga vaccination sites sa Metro Manila, sinabi ni Año na magpapadala sila ng karagdagang mga law enforecement officers para matiyak ang kaayusan sa mga lugar na ito.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolution ng IATF para ilagay ang Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.