-- Advertisements --

Magpapatupad na ang Bureau of Immigration (BI) frontliners ng digitized arrival cards at records sa mga dumadating na pasahero sa international airports at ports

Layon nito na maiwasan ang paper transaction sa harap ng patuloy na outbreak ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa pamamagitan ng digitized arrival cards, ang mga pasahero mula sa kanilang port of origin na papasok ng Pilipinas ay magfi-fill out ng mga hinihinging detalye sa form bago ang kanilang departure.

Nag-abiso na rin ang BI sa Congress kaugnay ng pagsisimula ng pagpapatupad ng advanced passenger processing and information system sa pamamagitan ng digitized arrival cards at boarding passes para mamonitor ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng bansa.

Ayon sa BI, layon ng bagong protocol na maiwasan ang person-to-person contact sa pagitan ng immigration officers at mga pasahero, bukod sa mapapadali ang pagsasagawa ng contact tracing.