-- Advertisements --

Nananawagan si Finance Sec. Carlos Dominguez III para sa digitalization ng subsidy programs ng pamahalaan para maiwasan ang korapsyon sa pamamahagi nito sa mga qualified beneficiaries.

Sinabi ni Dominguez na malaking tulong para maging maayos ang implementasyon ng small buisness wage subsidy program sa mga nakalipas na buwan dahil sa digitized ang sistemang ginamit dito.

Sa ganitong paraan, iginiit ni Dominguez na “mahirap pong gumawa ng kalokohan dito kung by computer.”

Kaya ayon kay Dominguez, dapat ang direct distribution ng ayuda ay dapat na idaan sa pamamagitan ng mga bank o e-wallet accounts ng mga qualified beneficiaries.

Isa aniya sa mga mahalagang factor kaya naging successfule ang subsidy program ay ang “close administration oversight” sa mga critical steps ng naturang programa.