-- Advertisements --
image 122

Malaki ang naitulong ng digitalization na ipinupursige ng Administrasyong Marcos upang mahigitan pa ng Bureau of Customs ang target collection nito para sa 2022.

Sinabi ni Customs spokesperson Arnaldo del Torre na malaking bagay ang patuloy na ipinapatupad na modernisasyon sa ahensiya lalo’t kasabay nito ay nalalabanan din ang katiwalian at korupsiyon.

Saklaw ng modernisasyon ang pagpapataas o upgrading ng kanilang mga kagamitan ganundin ang pagpapatupad ng proseso sa pamamagitan ng digitalization.

Nakatulong din ayon kay dela Torre ang pag-ahin ng ekonomiya mula sa pandemya na nagresulta aniya sa mas mataas na volume ng importation ng bansa.

Kinilala din ng Bureau ang anila’y collective effort ng 17 mga collection district offices ng kanilang tanggapan dahuilan upang malampasan ang target collection ng BOC ng nagdaang taon.

Napag-alamang Nobyembre pa lamang ay lagpas na sa target ng BOC na makakolekta ng 721.52 billion pesos gayung sa nabanggit na buwan ay nasa 745.50 billion pesos na ang nakolekta nito o tumaas na ng 3.27 percent.