-- Advertisements --
Nagbabadya na naman ang ikalimang rollback sa diesel at kerosene habang mayroong pagtaas ang gasolina sa susunod na linggo.
Ayon Department of Energy (DOE) na asahan ang pagbaba ng mula P1.00 hanggang P1.20 sa kada litro ng diesel at kerosene.
Inaasahan naman ang pagtaas ng gasolina ng P0.50 hanggang P0.70 sa kada litro.
Posible sa araw ng Lunes malalaman ang pinal na taas baba ng mga presyo ng produktong langis, habang kinabukasan naman ng Martes ang implementasyon.