-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maibabalik ang kanilang confidential and intelligence funds (CIF) sa ilalim ng kanilang proposed P46-billion budget para sa 2021.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa pondo ng kagawaran, sinabi ni DICT Sec. Gringo Honasan na ang proposal nila para sa CIF ay hindi inaprubahan ng Department of Budget and Management dahil mas kailangan aniya ang pondo para rito pagdating naman sa COVID-19 response.

Binigyan diin ni Honasan na hindi dapat isawalang bahala ang cybersecurity kaya umaasa siyang suportahan ng mga mambabatas ang kanilang apela na ibalik ang pondo para sa CIF.

Bagama’t hindi na idinetalye pa ni Honasan ang halaga ng hinihiling nilang pondo para sa CIF sa susunod na taon, ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng DICT ay mayroong approved budget na P11.6 million sa 2021, mas maliit kung ikukumpara sa kanilang proposal na P3.3 billion.