Pabor si Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na ipatupad ang internet voting sa darating na 2025 elections.
Sinabi ni Uy, na siya ring chairman ng advisory council ng Commission on Elections, na mas mura ang pagboto sa pamamagitan ng internet kaysa sa mahigit P400 milyong budget para sa pagboto sa ibang bansa.
Aniya, inaasahan din niyang tataas nang malaki ang voter turnout, na noon pa man ay naitatalang mababa.
Ayon sa opisyal, ang mahalaga ay suriin ang seguridad ng online platform na gagamitin at ang proseso ng pag-verify ng kanilang pagkakakilanlan.
Idinagdag niya na titingnan pa rin nila kung aling platform ang dapat gamitin na kung saan maaari nilang i-link ito sa digital national ID at sa pagpaparehistro ng SIM.
Ang mga sistema ng pag-verify ng pagkakakilanlan ay nagiging mas matibay sa pamamagitan ng biometrics, finger scanning at digital signatures.
Kung matatandaan, inaprubahan ng Comelec ang online vorting para sa mga rehistradong botante sa ibang bansa, kung saan sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na kailangang gumawa ng batas para sa pagboto sa gamit ang internet.