Naobserbahan ng Department of Information and Technology (DICT) na biglang nabawasan ang text scams matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, posibleng may kinalaman ang mga kompaniya ng POGO sa text scams.
Karaniwan ng sa mga text scams o messages na ipinapadala sa pamamagitan ng SMS ay naglalaman ng mga alok na pekeng trabaho para makapang-scam o makakuha ng kapalit na pera. Naging laganap pa rin ang nasabing text scam modus sa kabila pa ng isinabatas na SIM registration law.
Samantala, umaasa naman ang DICT na susuportahan sila ng mga mambabatas para magkaroon ng karagdagang tools at resources para mahabol ang mga criminal syndicate gayundin para mapahusay pa ang kanilang cyber defense capabilities.