-- Advertisements --
image 749

Nanawagan ang pamunuan ng Department of Information and Communications Technology(DICT) sa ibat ibang mga government agencies na higpitan ang seguridad ng kani-kanilang mga webpage.

Ito ay kasunod pa rin ng naging pag-atake ng Medusa ransomware sa kanilang webpage at sa kabuuan ng ginagamit na sistema.

Ayon kay Sec. Ivan John Uy, kailangan na ng mga ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng paunang hakbang upang mahigpitan ang kanilang ginagamit na seguridad sa kani-kanilang webpage at Information technology systems.

Mahalaga aniya na magawa ito ng bawat ahensiya, upang maiwasan na muling mangyari ang kahalintulad na nangyari sa PhilHealth.

Ayon sa kalihim, malaking abala ang mga pag-atake o biglaang pagpasok na lamang sa mga webpage ng mga government agencies, lalo na sa mga ahensiyang nakapokus sa delivery ng basic and health services,

Sa kasalukuyan, naibalik na ang Online services ng Philhealth.