-- Advertisements --

Umabot na sa 56 milyon na digital IDs ang nagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA) and Philsys.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nag-utos sa kanila na gumawa ng digitalized national ID habang hinihintay pa ang physical ID.

PInayuhan nito ang publiko na mag-download ng eGovPH App para ma-access nila ang digital national ID habang hinihintay ang paglabas ng physical ID.

Sa kasalukuyan pa kasi ay nasa 1.4-M katao pa lamang ang nakapag-download ng nasabing App.