Naghahanda na ang mga telecommuncation companies para sa isang senaryo ng mga SIM o subscriber identity module card holder o subscriber na mga nagmamadaling magparehistro habang papalapit ang deadline na nakatakda sa Abril 26.
Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na handa na rin ang ahensya para sa pagdami ng mga nagparehistro sa pagsisimula ng countdown.
Ayon sa nasabing departamento, sa halos tatlong linggo na natitira bago ang deadline, mahigit 100 milyong subscriber ang hindi pa nakakapagrehistro ng kanilang mga SIM.
Ang mga rehistradong SIM ay 34.48% pa lamang ng 168,977,773 milyong subscribers sa buong bansa.
Kaugnay niyan, mahigpit na nagpaala ang DICT na magparehistro na ng SIM lalo’t nalalapit na ang deadline nito.
Una nang nagbabala din si DICT Undersecretary at spokesperson Anna Mae Lamentillo sa publiko na manatiling mapagmatyag laban sa mga scammer na nag-aalok ng tulong sa pagpaparehistro ng SIM.