-- Advertisements --
IMAGE © Facebook | Department of Information and Communications Technology

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga nagpapakalat ng video scandal ng singer na si Jim Paredes.

Sa isang press briefing sinabi ni DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr. na posibleng managot sa batas ang mga mapapatunayang sangkot sa leakage ng naturang video, bilang paglabag sa cybercrime law.

“Nasa cybercrime ‘yun. Do not share anything na talagang; that is a private video. Common sense lang na hindi dapat ishare,” ani Rio.

Kaugnay nito, pinayuhan ng opisyal ang publiko na maging maingat din sa kanilang aksyon at maging responsable rito.

“Whatever you think should not be done in the real world, do not do it in the virtual world.”

Nitong Lunes nang kumalat sa social media ang naturang video.

Agad namang inamin ng Apo Hiking Society member ang video at humingi ng tawad sa insidente.