Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology sa publiko tungkol sa pagkalat ng “deepfakes” o mga video na ginagaya ang mga boses at mukha ng mga kilalang personalidad habang nalalapit nanaman ang 2025 midterm elections.
Kaugnay nito, nanawagan ang DICT sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bumalangkas ng batas para i-regulate ang artificial intelligence na ginagamit sa paggawa ng pekeng footage.
Sinabi ni DICT Undersecretary Jeff Ian Dy sa House committee hearing na posibleng dumami pa ang ganitong banta lalo na at papalapit nanaman ang halalan.
Inihalimbawa ng opisyal ang mga pekeng video kung saan ginamit ang mukha at boses ng isnag Television host na pinalabas na nagi-endorso ito ng isang partikular na kuwintas mula sa Italy gamit ang AI.
Sa ngayon, wala pang batas sa bansa laban sa deepfakes kayat kailangan na magkaroon na ng batas para maregulate ang paggamit ng AI.