Kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Information and Cmmunications Technology (DICT) na walang dapat ikabahala sa nangyaring hacking sa kanilang test website.
Pagtitiyak ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, walang nilalamang impormasyon ang kanilang test website
Paliwanag ng DICT official, ginagamit lamang nila ang kanilang test site para makita o ma-test ang vulnerabilities o kung gaano ka-secure ang kanilang mga ginagamit na pangunahing susema.
Dinisensyo aniya ito para sa ganitong sistema, kasama na ang mga posibilidad ng pag-atake.
Aminado naman ang opisyal na naiwan nila itong bukas, pagkatapos ang ilang serye ng testing na isinagawa ng DICT personnel, kayat napasok na rin ng mga hackers.
Maalalang una nang tiniyak ng DICT na maliban sa kanilang test website ay walang ibang sistema na naapektuhan sa kabuuan ng pag-atake.
Sa kasalukuyan, gumagana rin umano ang lahat ng serbisyo nito, na ginagamitan ng ibat ibang mga sistema sa ilalim ng naturang ahensiya.