-- Advertisements --
May mga nakahandang safeguards ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga hackers at scammers sa pagpapakalat nila ng digital national ID.
Sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy, na may mga hakbang na silang ginagawa para mapunan ang mga problema.
Lahat aniya ng mga paraan para mapaigting ang cyber security upang maprotektahan ang mga data.
Magugunitang bumaba ang bilang ng mga kumukuha ng digital ID dahil sa pangamba nilang napapasok ng hackers at scammers ang kanilang data.