-- Advertisements --
Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na dapat magkaroon ng sariling cubersecurity response teams ang mga National government agencies dahil sa tumataas na banta ng cyberattacks.
Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, kahit may National Computer Emergency Response Team (NCERT) ang Pilipinas, hindi kayang hawakan ng naturang team ang lahat ng ahensya ng gobyerno na nangangailangan.
Ang NCERT ay isang unit sa ilalim ng DICT na tumatanggap, nagsusuri, at tumutugon sa mga computer security incidents.