Nangako ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tutulong ito upang mapataas pa lalo ang kalidad ng cybercrime-fighting capabilities ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang nasabing commitment ay pinagtibay kaninang umaga sa pamamagitan ng pagpirma ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pambansang Pulisya at ng DICT sa pamamagitan ni Secretary Ivan Uy.
Isa sa mga mahalagang aspeto nito aniya ay ang maayos na koordinasyon at mas matatag na information and communications technology(ICT) system na ginagamit ng lahat na police units sa buong bansa.
Sa pamamagitan nito, sinabi ng heneral na magkakaroon din ng mas maayos na intelligence sharing sa pagitan ng mga ito, joint responce sa mga cyber cases, technical expertise, at iba pa.
Mahalaga ang mga nasabing proseso aniya upang matugunan at malabanan ang mga bagong hamon sa digital landscape.
Sa kasalukuyan, ang Pambansang Pulisya ay naka-pokus sa isang digitalization efforts sa pamamagitan ng Secured, Mobile, Artificial Intelligence-Driven, Real-Time Technology (SMART) Policing.
Nauna na ring inumpisahan ng Pambansang Pulisya ang paglalaan ng mas maraming Anti-Cybercrime Information and Communications technology Equipments sa mga Regional Offices nito sa buong bansa.