Diana Ross
Diana Ross/ IG post

Inireklamo ng Diana Ross ang mga Transportation Security Administration (TSA) agent ng New Orleans airport dahil sa pagiging bastos ng mga ito.

Sinabi ng singer, tila nabastos siya dahil sa ginawang body inspection ng mga TSA agents.

Dagdag pa niya, mahigpit naman siyang sumunod sa security measures na ipinatupad ng paliparan.

Sa ginawa ng mga ito ay tila nalabag aniya ang kaniyang karapatan.

Magugunitang hindi lamang ang singer ang nakaranas ng pambabastos na dumaan sa inspections ng mga security agents ng paliparan dahil maging ang actor na si Ben Affleck, Kim Kardashian at Kanye West ay hindi nakaligtas din sa sinasabing maling paraan ng mga TSA agent na pag-inspect sa kanila.