-- Advertisements --
Nadagdagan pa ng walong Pilipino ang nagpositibo sa coronavirus na sakay ng Diamond Princess cruise ship sa Japan.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma nito na umabot na sa 35 Pilipino ang dinapuan ng COVID-19 sa nasabing cruise ship na kasalukuyang naka-quarantine sa Yokohama, Japan.
Tinatayang mayroong 531 Filipino crew members at pitong pinoy passengers ang barko.
Pumalo na rin sa 450 katao na lulan ng Diamond Princess ang positibo sa sakit.










