Nilinaw ngayon ng US Embassy sa Manila na hindi papalitan ni Mina Chang si incumbent Ambassador to the Philippines Sung Kim salungat sa mga ulat na kumakalat kamakailan.
Sa isang statement, pinabulaanan ng embahada ang kumakalat na balita at sinabi na Setyembre 2018 nang inanunsyo ng Whote House na balak ni US President Donald Trump na i-nominate si Change bilang Assistant Administrator ng U.S. Agency for International Development for the Bureau of Asia.
Ang nomination daw ni Chang sa USAID position ay na-refer na sa Foreign Relations Committee ng US Senate noon pang ENero pero tumanggi naman ang White House na magbigay pa ng karagdagang detalye ukol dito.
Sa ngayon, si Chang ay nagsisilbi bilang Deputy Assistant Secretary sa Bureau of Conflict and Stabilization Operations ng US Department of State.