Nilinaw ngayon ni Agriculture Sec. Manny Piñol na hindi magkakaroon ng pagpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at cook ng bangka ng mangingisdang Pilipino na napaulat na nabangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Piñol na siya ang siyang nagpatawag sa naturang cook na si Richard Blasa, at MIMAROPA Regional Dir. Elizer Salilig na magtungo sa Manila para pag-usapan ang insidente.

Nauna nang napaulat na nagtungo si Blasa sa Metro Manila kahapon para sa posibleng pagkikita kay Pangulong Duterte.

Ito ay matapos na tumanggi ang kapitan ng barko na si Jonel Insigne na makipagpulong at nagdesisyon na bumalik na lamang sa bayan ng San Jose dahil sa traumatized pa rin daw siya sa nangyari sa kanila sa Recto Bank.

Samantala, sinabi naman ni Piñol na magsasagawa siya ng inspeksyon sa bangka nina Insigne sa darating na Miyerkules.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here