GENERAL SANTOS CITY- Pinabulaanan ni Kagawad Jeng Gacal na may kinalaman si Senator Manny Pacquiao sa isang investment scheme sa Lungsod ng Heneral Santos.

Ito’y matapos lumabas ang isyu na siya ang nasa likod ng Munificence kung saan lumabas ang pangalang J. Emmanuel na iniuugnay sa senador.

Ayon pa kay Kagawad Gacal, wala itong katotohanan dahil siya ang mas mauunang makaalam kung ito ay totoo dahil nananatiling financial advisor ni Pacman ang kanyang kapatid.

Ginagamit lang aniya ang pangalan ng Pinoy ring icon para maraming mag-invest.

Samantala, inamin ng konsehal na ibinenta na ni Senador Pacquiao ang kanyang Mansion 1 sa Barangay Lagao at pinatirhan na kahit hindi pa ito kompletong nababayaran.