Iginiit ni House Committee on People Participation Chair at San Jose del Monte Rep. Rida Robes na hindi maaring tawaging balimbing ang mga kongresista na bumoto para maluklok bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Alam naman kasi aniya ng magkabilang kampo ang term-sharing agreement sa pagitan nila Velasco at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kaya nauang naluklok ang huli bilang bilang House Speaker noong 2019.
Wala rin aniyang mali sa naging sesyon noong Lunes sa labas ng Batasang Pambansa kung saan inihalal si Velasco bilang bagong lider ng Kamara.
Paliwanag ni Robes, 186 ang dumalo at bumoto pabor kay Velasco, na lagpas na kinakailangang mayorya mula sa kabuuang 299 na kongresista na siyang nakasaad sa Saligang Batas at rules ng Mababang Kapulungan.
Pinapahintulutqn din aniya ng Saligang Batas ang pagdaraos ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa basta kailangan lamang ay mayroong quorum.