-- Advertisements --
Nilinaw ni National Task Force COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. na hindi maaaring gawing sa Pilipinas ang ilang panukala ng mga mambabatas, bilang tugon sa COVID-19.
Ayon kay Galvez, kinakalap naman nila ang mga suhesyon ukol sa epektibong pagtugon sa COVID pandemic, ngunit pinipili pa rin nila ang mga bagay na angkop sa ating bansa.
Aniya, kinukuha nila ang best practices ng mga karatig na bansa, para sa testing, quarantine at iba pang procedure.
Pero sadyang iba umano ang sitwasyon sa Pilipinas dahil maraming vulnerable sector, kagaya ng mga informal settlers at ang mga komunidad ay dikit-dikit at mahirap magpatupad ng quarantine sa ilang lugar.